Maligayang pagdating sa FluentStride!
Handa ka na bang baguhin ang iyong buhay gamit ang Ingles?
Pakiramdam mo ba ay nahahadlangan ka dahil hindi ka pa bihasa sa Ingles? Pangarap mo ba ang mas magagandang oportunidad sa trabaho at mas masaganang buhay para sa iyong pamilya?
Maaaring nasubukan mo na ang ibang mga programa ngunit hindi mo nakita ang tunay na resulta. Ang pagsasalita ng Ingles nang sapat upang baguhin ang iyong buhay ay mangangailangan ng oras, ngunit hindi ito kailangang maging napakahirap.
Sa FluentStride, tinutulungan ka naming bumuo ng kumpiyansa at kasanayan sa pagsasalita, isang gawain sa bawat pagkakataon. Kung ikaw ay baguhan o may kaalaman na sa Ingles, ipapakita namin sa iyo ang mga susunod na hakbang patungo sa tagumpay.
Ang FluentStride ay hindi lamang isang kursong pangwika, klase, o mobile app. Isa itong pangako na tulungan kang makapagsalita ng Ingles nang sapat upang:
- makakuha ng mas magandang trabaho
- mamuhay nang maayos sa ibang bansa
- makakuha ng tulong medikal saan ka man naroroon
- magkaroon ng mas maraming oportunidad sa edukasyon
- mas mahusay na makipag-usap sa mga doktor
- mas mahusay na makipag-usap sa mga guro ng iyong mga anak
- maunawaan ang impormasyon ukol sa emergency at batas para maprotektahan ang iyong pamilya
- makakuha ng mas maraming balita at maintindihan ang mga nangyayari
- maging mas kasali sa iyong komunidad
- makilala ang bagong tao at magkaroon ng mga kaibigan sa paligid mo
- magkaroon ng mas matatag na trabaho kapag mahina ang ekonomiya
- mas ganap na makibahagi sa social media

Bakit Pumili ng FluentStride?
Napatunayang Paraan ng Pagkatuto
Pinagsasama namin ang makabagong teknolohiya sa app learning at live, interactive na mga online class. Kaya makukuha mo ang pinakamahusay na kombinasyon ng teknolohiya at personal na pagtuturo. Ang mga gawain sa aming app ay hindi kasing-kulay ng mga app tulad ng Duolingo, pero tutulungan ka nilang matutunan ang mga salita at parirala na kailangan mo sa totoong buhay. Kapag pamilyar ka na sa nilalaman ng app, tutulungan ka ng mga guro na gamitin ito sa totoong sitwasyon.
Kung may kilala kang naglaro ng isports, alam mong mas mahusay ang performance kapag nag-ensayo sila sa mga sitwasyong parang totoong laro. Binibigyan sila ng pagkakataon na magkamali sa ligtas na lugar bago ang aktwal na laro. Karamihan ng oras sa klase ay ginugugol sa pagsasanay ng totoong usapan at pagtanggap ng feedback, kaya handa at kumpiyansa ka kapag kailangang magsalita.

Aplikasyon sa Totoong Buhay
Ang bawat aralin ay idinisenyo upang matutunan mo ang mga kasanayang magagamit mo araw-araw—mula sa pag-set ng appointment hanggang sa pagkuha ng promosyon sa trabaho. Sa bawat antas ng programa, inuulit at pinalalalim ang mga dating aralin upang matulungan kang gamitin ang natutunan mo sa bagong mga sitwasyon at mapalakas ang iyong kumpiyansa.
Suporta ng Komunidad
Matuto kasama ng mga kapwa mo mag-aaral na may parehong layunin at motibasyon. Para gumaling sa pagsasalita ng Ingles, kailangan mong gamitin ang mga salitang natutunan mo. Sa aming maliliit na klase, magagawa mo ito sa isang kapaligirang puno ng suporta kasama ang mga taong tulad mo. Nandito ang lahat para magtulungan at ipagdiwang ang bawat hakbang ng pag-unlad.
Binuo ng mga Eksperto
Bagama’t mas bago ang FluentStride kumpara sa ibang language companies, ang mga taong nasa likod ng programang ito ay may dekada ng karanasan sa pagtuturo ng wika. Sila ang bumuo at nagdisenyo ng mga programang tumulong sa sampu-sampung libong estudyante—anuman ang antas nila—na matuto ng pangalawang wika. Marami sa kanilang mga estudyante ang matagumpay na nanirahan at nagtrabaho sa ibang bansa kasama ang mga katutubong nagsasalita. Dala ng FluentStride ang lahat ng karanasang iyon at nagbibigay-daan sa iyo na matuto mula sa bahay. Kailangan mo lang ng matatag na koneksyon sa internet at Android o iOS device.
Batay sa mga metodolohiyang binuo sa Brigham Young University—isang nangunguna sa edukasyong pangwika—nag-aalok ang FluentStride ng programang napatunayang epektibo para matulungan kang matupad ang iyong mga pangarap. At ikaw ang pipili kung gaano kabilis mo gustong makarating doon.

Mga Klase na Akma sa Iyong Buhay
Ang mga online class ay isinasagawa sa regular na oras para matulungan kang magkaroon ng gawi at rutina sa pag-aaral. May mga opsyon sa umaga, hapon, at gabi ayon sa iyong iskedyul. Karaniwan, ang mga klase ay ginaganap dalawa o tatlong beses sa isang linggo para sa tuloy-tuloy na pag-unlad (12–18 buwan para sa buong programa). Gusto mo bang bumilis ang pagkatuto? Pumili ng araw-araw na klase at maabot ang iyong layunin nang mas mabilis sa parehong halaga (7 buwan para matapos ang buong programa).
Sabi ng Aming mga Mag-aaral
Nakikita na ng mga estudyante ang pagbabago sa kanilang buhay kahit nasa unang mga antas pa lang ng programa.
Nestor, Antas 2:
“Malaki na ang improvement ng English ko, lalo na sa pronunciation. Mas gumaling na rin ang pakikipag-usap ko sa trabaho.”
Camila, Antas 3:
“Mas MAGALING na talaga ang English ko kaysa ilang buwan ang nakalipas. Mas malinaw na ang bigkas ko at nakakapagsalita na rin ako nang tuloy-tuloy.”

Bakit pa maghihintay upang baguhin ang iyong buhay?
Tanungin mo ang iyong sarili: Kaya mo bang maghintay? Bawat araw na walang Ingles ay nagkakahalaga sa iyo ng mahahalagang oportunidad. Sa FluentStride, ini-invest mo ang oras mo sa isang kakayahan na babalik ang halaga habangbuhay. Ayon sa pananaliksik, ang pagsasalita ng Ingles ay maaaring makatulong sa iyong kumita ng $5,000 hanggang $15,000 pa bawat taon. Ano ang ibig sabihin nito para sa iyo at sa iyong pamilya?
Ang Pangako Namin sa Iyo
Isang Beses na Bayad, Panghabambuhay na Benepisyo: Magbayad nang isang beses lang at makuha ang mga kasanayang magbubukas ng maraming oportunidad. Walang buwanang bayad, walang nakatagong singil — malinaw lang na landas tungo sa kakayahang magsalita ng Ingles. Maaaring mukhang mahal ang aming programa, pero nagpapakita ito ng tapat naming hangarin na matuto ka ng Ingles.
Garantisadong Resulta: Sundin mo ang programa at makikita mo ang pagbabago. Kung uma-attend ka sa klase at ginagawa mo ang mga gawain sa app, pero hindi ka pa rin fluent sa dulo, bibigyan ka namin ng one-on-one tutoring nang walang karagdagang bayad hanggang sa maging fluent ka. (I-click ito para makita ang buong garantiya.)

Gawin ang unang hakbang ngayon
Huwag mong hayaang lumampas ang isa na namang oportunidad. Mag-enroll sa FluentStride at simulan na ang pagbuo ng mas maliwanag at mas seguradong kinabukasan.
Pangunahing English Program
Isang Beses na Bayad sa Tuition
$999 USD
*Pakitandaan na limitado lamang ang aming slots at tumatanggap lang kami ng 100 bagong estudyante kada buwan. Kung sa enrollment process ay makita mong walang bukas na klase sa oras na available ka, mangyaring magpadala sa amin ng mensahe gamit ang form sa ibaba at isama ang iyong time zone at availability. Ipapaalam namin sa iyo kapag may nagbukas na slot sa oras na iyon.
Bakit Mukhang Mahal ang Programang Ito?
Kung sa tingin mo ay mahal ang programang ito, malamang isa ka sa aming susunod na mga kwento ng tagumpay. Ang sakripisyong ginagawa mo ay simbolo ng tunay mong hangarin na baguhin ang iyong buhay. Alam mong ang hindi marunong magsalita ng Ingles ay malamang na nakagastos ka na ng mas malaki kaysa sa halaga ng aming programa. At patuloy ka pang malulugi habang tumatagal kang hindi nagsisimula. Iyon ang dahilan kung bakit buo ang tiwala namin sa pagbibigay ng aming garantiya . Ang mga taong handang magsakripisyo para sumali ay seryoso sa pagsunod sa programa—at hindi namin kailangang mag-alala sa magiging tagumpay nila.
Upang mapawi ang mga alinlangan mo sa ganitong desisyon, mayroon kaming 21-araw na trial period. Kung sa unang tatlong linggo ay hindi ka masaya sa programa para sa kahit anong dahilan, magpadala lang ng email sa aming support team at ibabalik namin nang buo ang iyong bayad.
Kung handa ka nang ibigay ang buo mong tiwala at gawin ang tamang hakbang para matutunan ang Ingles, i-click ang link sa itaas para mag-enroll.
Kung may iba ka pang tanong, pwede ka ring makipag-ugnayan sa amin gamit ang form sa ibaba.
Inaasahan ka naming makita sa klase!